Halaga ng naipamahaging 2nd tranche ng SAP umabot na sa P42B
Umabot na sa mahigit P42 billion ang halaga ng naipamahaging 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang araw ng Martes, July 28 ay umabot na sa P42.8 bilyon ang halaga ng na-disburse na pondo para sa 2nd tranche ng SAP.
Ang nasabing halaga ay naipamahagi sa 6,375,409 na pamilyang benepisyaryo.
Una nang sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na batay sa mga aral na natutunan sa unang pamamahagi ng SAP ay inayos ng ahensya ang sistema.
Kabilang sa pagbabago ay ang pagkakaroon na ng digital payment sa pamamahagi ng SAP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.