Dalawang barangay sa Pakil, Laguna sasailalim sa lockdown

Isasailalim sa lockdown ang dalawang barangay sa bayan ng Pakil sa lalawigan ng Laguna.

Ayon kay Pakil Mayor Vince Soriano, simula sa July 28 ay sasailalim sa lockdown ang Brgy. Poblacion at tatagal hanggang sa August 11.

Habang ang Barangay Kabulusan naman ay nakasailalim na rin sa lockdown na tatagal hanggang August 6.

Kapwa critical zones ang dalawang barangay kaya isinailalim sa enhanced community quarantine.

Ang mga apektadong pamilya ay hahatiran ng pagkain at iba pang suplay ng lokal na pamahalaan.

 

 

Read more...