Plant Plant Plant Program, ikinakasa ni Pangulong Duterte
Kung may Build Build Build Program, ikinakasa naman ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Plant Plant Plant Program,
Ayon sa pangulo, bubuhusan niya ng sapat na pondo ang agrikultura.
Ayon sa pangulo, P66 billion ang nakalaan sa sektor ng agkultura at pangingisda.
Nais kasi ng pangulo na magkaroon ng sapat at abot kayang pagkain sa bawat Filipino.
Ayon pa sa pangulo, mas madaling maabot ang Plant Plant Plant Program kaysa sa BBB program.
Kailangan lamang aniya ang magagaling tao para sa PPP program.
“We aim to provide adequate, accessible and affordable food for every Filipino [family] through the Plant, Plant, Plant Program. After the Build, Build, Build, I think this is easier to achieve. A few good men — a few good regional directors, DAR and the dedicated workers down below could make this thing a success,” ayon sa pangulo.
Nakasandal aniya ang ekonomiya ng bansa sa agrikultura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.