Pahayag ng pangulo sa kaniyang SONA suportado ng mga lider ng Kamara

Suportado ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga tinuran ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address kahapon.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, malinaw na inihayag ng pangulo ang kanyang misyon kung saan prayoridad ang kabuhayan, kaligtasan, at kaunlaran.

Sabi ni Romualdez, katulong sila ng ehekutibo sa pagbibigay ng tulong sa publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Bilang partner din ng Ehekutibo sa nation-building ay nangangako sinabi nito na kanilang aaprubahan ang mga priority legislative measures na isinusulong ni Pangulong Duterte.

Ikinatuwa naman ni Ways and Means Chairman Joey Salceda ang ginawang apela ni Pangulong Duterte sa pagpasa sa mga panukala na kanyang ini-akda kabilang dito ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE), pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR), Financial Institutions Strategic Transfer (FIST), credit access para micro, small, and medium enterprises (MSMEs), regulatory relief sa mga maliliit na negosyo, satellite-based education, BFP modernization at iba pa.

Nangako si Salceda na magpupursige siya na hikayatin ang dalawang kapulungan ng Kongreso na aprubahan ang mga nasabing panukala sa lalong madaling panahon.

Sabi naman ni House Committee on People’s Participation Chair at San Jose del Monte Lone District Rep. Rida Robes, ikinatuwa nito ang pahayag ng pangulo na huwag magkaroon ng face to face classes hanggang sa Enero ng susunod na taon.

Bilang isang magulang ay nagsulong ng panukala na pagpapaliban sa pagbubukas ng klase masaya anya siya at nakikinig sa kanila ang pangulo.

Sabi pa ni Robes, bilang isa sa may-akda ng Bayanihan to Heal As One Act ikinalugod nito ang sinabi ng pangulo sa kanyang SONA na palawigin pa ito.

 

 

Read more...