116 na LSIs na umuwi ng Davao City at tinakasan ang pagsailalim sa swab test hinarang

By Dona Dominguez-Cargullo July 28, 2020 - 09:15 AM

Naharang ng mga tauhan ng Task Force Davao ang 116 na Locally Stranded Individuals (LSIs) na umuwi sa lungsod at tinakasan ang pagsasailalim sa swab test.

Natuklasan ng Task Force na ang mga umuwing LSIs sa pagitan ng July 20 hanggang 26 ay dumaan sa ibang paliparan o ‘di kaya ay nag-by land upang makaligtas sa pagsasailalim sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR).

Ayon kay Task Force Davao Commander, Colonel Consolito Yecla, ang 16 sa mga naharang ay dumaan sa Laguidingan Airport sa Cagayan de Oro City para makapasok ng Davao City habang ang 100 ay bumiyahe by land.

Karamihan sa kanila ay dumating mula Biyernes hanggang Linggo.

Sinabi ni Yecla na 52 sa LSIs ay pawang residente ng Davao City habang ang 64 ay dumaan lang ng Davao City at residente sa ibang lalawigan.

Nilinaw naman ni Yecla na pinigilan lang pansamantala ang mga LSI at hindi naman inaresto.

Base sa utos ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte, lahat ng LSIs na pumapasok sa lungsod gamit ang Davao International Airport (DIA) ay dapat magpakita ng negative RT PCR .

Kailangang mayroon silang negatibong resulta bago sila makauwi sa kanilang mga tahanan.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, Davao City, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, LSIs, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, Davao City, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, LSIs, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.