Gusali ng ERC sarado sa loob ng apat na araw
By Dona Dominguez-Cargullo July 28, 2020 - 08:47 AM
Apat na araw na sarado ang gusali ng Energy Regulatory Commission (ERC).
SA abiso ng ERC sa kanilang Facebook Page, nakasaad na ang pagsasara ay tatagal hanggang sa July 31, 2020 para makapagsagawa disinfection sa pasilidad.
Tatanggap pa rin naman ng transaksyon ang ERC sa pamamagitan ng kanilang e-services.
Naglabas din ng mga email address ang ERC kung saan pwedeng magpadala ng reklamo ang mga consumer depende sa kung ano ang kanilang concern.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.