14 na LSIs sa Rizal Memorial Stadium nagpositibo sa rapid test
Umabot sa 14 na locally stranded individuals sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila ang nagpositibo sa rapid test.
Isinasailalim sila sa rapid test bago mapayagan na makauwi sa kanilang lalawigan sa ilalim ng Hatid Tulong Program ng pamahalaan.
Ayon kay Hatid Tulong head Asec. Joseph Encabo, ang mga nagpositibo sa rapid test ay nakasailalim sa quarantine sa CCP complex.
Mayroon pang aabot sa 1,600 na katao na nasa Rizal Memorial track & football stadium ang naghihintay na makauwi sa kanilang lalawigan.
Kahapon ay mayroon nang napasakay ng bus, na bibiyahe sa pamamagitan ng RO-RO pauwi ng Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.