Municipal Hall ng Bantayan sa Cebu isinailalim sa lockdown; 2 empleyado nagpositibo sa COVID-19
Isasara sa publiko simula ngayong araw (July 28) hanggang sa August 2 ang municipal hall ng Bantayan, Cebu.
Ito ay makaraang dalawang staff ng munisipyo ang nagpositibo sa COVID-19.
Magre-resume sa Lunes, August 3 ang transaksyon sa munisipyo.
Pansamantala, magsasagawa muna ng disinfection sa administrative at legislative buildings habang umiiral ang lockdown.
Ang mga tanggapan naman ng BTOM, Rural Health Center, Disaster Risk Reduction and Management Office, Barangay Border Checkpoints, Public Market, Clean and Green, at Agriculture Field Work na pawang nasa labas ng munisipyo ay mananatiling bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.