Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 181.90 meters alas-6:00 umaga ng Martes (July 28) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 182.32 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 99.37 meters ngayong umaga mababa sa antas nito kahapon na 99.56 habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay bahagyang nadagdagan na nasa 78.17 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 77.97 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Binga, San Roque at Caliraya dams habang nadagdagan ang tubig ng Ambuklao, Pantabangan at Magat dams.

 

 

Read more...