Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 15,400 na
Sumampa na sa mahigit 15,400 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.
Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 85 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 15,489 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 7,382 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 762 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 145 dahilan para umabot na sa 7,345 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 8,771 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 3,015
Mandaue City – 1,803
Lapu-Lapu City – 1,718
Negros Oriental – 102
Bohol – 80
Siquijor – 0
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.