Magnitude 3.5 at 3.3 na aftershocks naitala sa Bayabas, Surigao del Sur

Tatlong may kalakasang aftershocks ang naitala sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Unang naitala ang magnitude 3.3 sa 37 kilometers southeast ng bayan ng Bayabas at may lalim na 21 kilometers, alas-4:41 madaling araw ng Martes (July 28).

Sumunod ang magnitude 3.5 sa 5 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Bayabas at may lalim na 30 kilometers, alas-4:45 madaling araw.

Ang ikatlong aftershocks ay magnitude 3.5 sa 25 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Bayabas at may lalim na 19 kilometers, alas-4:53 madaling araw.

Pawang tectonic ang origin ng mga ito.

Wala pa namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Ang mga aftershocks ay bunsod ng magnitude 5.8 na pagyanig na naitala kaning ala-1:32 ng madaling araw sa nasabing lugar.

 

Read more...