Globe gumastos na ng $1.2B para mapabuti ang serbisyo; matagal na proseso ng pag-iisyu ng permit ng gobyerno nakapagpapabagal sa pagtatayo ng cell sites

Patuloy ang pagpapabuti ng Globe sa kanilang serbisyo.

Sa pahayag ng Globe, ngayong taon ay umabot na sa 1.2 billion US Dollars ang kanilang capital expenditures at mayorya nito ay napunta sa network at capacity building.

Tugon ito ng Globe sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address na pagbutihin ng mga network ang kanilang serbisyo.

Binigyan lang ng pangulo ng hanggang sa Disyembre ang Globe at Smart para ayusin ang serbisyo.

“We heed the call of the President to improve telco services. Service performance and increased consumer demand for data are the key reasons why we have been investing billions of dollars to upgrade and improve our network,” ayon sa pahayag ng Globe.

Ayon sa Globe nagbubunga naman ang kanilang network at capacity building, katunayanan, 4G/LTE na ang kanilang serbisyo.

Noong nakaraang taon sinabi ng Globe na nailunsad na din nila ang 5G para sa Globe At Home at nakatakda na ring ilunsad ang mobile 5G services sa bansa.

Tumanggap na rin ng pagkilala ang Globe dahil sa napabuting internet experience.

Kamakailan lang, sinabi ng Globe na ang independent mobile analytics na “Open Signal” ay itinanghal ang Pilipinas bilang pang-apat sa “most improved country in mobile video experience”.

Pero aminado ang Globe na nananatili ang mga hamon.

Binanggit ng Globe ang mabagal na proseso ng pagkuha ng permit sa mga LGU, Homeowners Association at maging sa national agencies gaya ng DOH at CAAP kaya natatagalan ang pagtatayo nila ng cell sites at paglalatag ng linya para sa Globe Fiber.

“Although we have seen marked improvements, the industry is not without its challenges. The long drawn permitting process across LGUs, HOAs and national agencies including the DOH and CAAP have hampered cellsite builds and laying down of fiber to homes. We express our optimism that the recently signed Joint Memorandum Circular 01s.2020 spearheaded by the DICT with other national agencies to fast track builds of telco towers will finally lead the way to a more robust connectivity in the country and provide internet services to every Filipino,” ayon pa sa Globe.

 

Read more...