Dagdag sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na

Nagpatupad ng dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

May dagdag na 30 centabos ang bawat litro ng gasolina at kerosene, habang 25 centavos naman ang dagdag sa bawat litro ng diesel.

Epektibo alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, July 28 ang dagdag presyo ng Petron, Shell, SeaOil, Flying V, Phoenix Petroleum, PTT, Total, at Petro Gazz.

Ang Chevron naman o Caltex ay nauna nang nagpatupad ng dagdag presyo alas 12:01 ng madaling araw.

Habang alas 4:01 pa ng hapon mamaya ang dagdag presyo ng Cleanfuel.

 

 

Read more...