Phivolcs pinawi ang banta ng tsunami matapos ang malakas na lindol sa Surigao del Sur

Tiniyak ng Phivolcs na walang tsunami threat sa Pilipinas matapos tumama ang magnitude 6.0 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, ang malakas na lindol ay naitala sa baybayin na malapit sa Surigao del Sur, ala-1:32 madaling araw ng Martes (July 28).

May lalim ang pagyanig na 65 kilometers.

Base naman sa Information bulletin no.2 na inilabas ng ahensya ibinaba ang magnitude 6.0 na pagyanig sa magnitude 5.8, ito ay naitala sa 21 kilometers southeast ng Bayabas, Surigao del Sur at may lalim na 40 kilometers.

Wala pa namang napapaulat na pinsala ang pagyanig sa nasabing lugar pero inaasahan ang aftershocks.

Read more...