Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 21 kilometers southeast ng bayan ng Bayabas, ala-1:32 madaling araw ng Martes (July 28).
May lalim na 40 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV – Bayabas, City of Bislig, Cagwait, Hinatuan, and City of Tandag, Surigao del Sur; City of Butuan
Intensity III – City of Surigao, Surigao del Norte; City of Gingoog, Magsaysay, at Medina, Misamis Oriental
Intensity II – Balingasag, Jasaan, Salay, Tagoloan, and Villanueva, Misamis Oriental; City of Cagayan de Oro
Intensity I – Mambajao, Camiguin
Naitala rin ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity III – City of Bislig, Surigao del Sur; City of Gingoog, Misamis Oriental
Intensity II – City of Surigao, Surigao del Norte; City of Cagayan de Oro; Palo, Leyte; Alabel, and Malungon, Sarangani
Intensity I – City of Kidapawan, Cotabato; City of Koronadal, at Tupi, South Cotabato
Wala pa namang naitatalang pagkasira sa mga ari-arian pero inaasahan ang mga aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig.