Isang LPA, binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa – PAGASA
Inihayag ng PAGASA na may isang low pressure area (LPA) na binabantayan sa loob ng bansa.
Sa weather update, sinabi ni PAGASA weather specialist Benison Estareja na nabuo ang LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bandang 2:00 ng hapon.
Huling namataan ang LPA sa layong 410 kilometers sa Silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.
Asahan aniyang unti-unting lalapit ang LPA sa bahagi ng Southern Luzon sa mga susunod na araw.
Sa susunod na 24 oras, maliit pa aniya ang tsansa na mag-develop ito at maging bagyo.
Sinabi pa ni Estareja na hindi nakapaloob ang LPA sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Mas mababa aniya ang ITCZ sa bansa at nakakaapekto sa bahagi ng Mindanao.
Asahan naman aniya na sa mga susunod na araw ay unti-unti pang lalayo ang ITCZ sa bansa.
Dagdag pa nito, asahang makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa mga susunod na oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.