Baguio City, nadagdagan pa nang tatlong COVID-19 cases
Napaulat ang tatlo pang kaso ng COVID-19 sa Baguio City.
Sa huling datos hanggang 4:00, Lunes ng hapon (July 27), umabot na sa 98 ang confirmed COVID-19 cases.
Sa nasabing bilang, 45 ang aktibong kaso.
Kabilang sa mga bagong naitalang kaso ay ang mga sumusunod:
– 22-anyos na babae mula sa Mew Lucban
– 18-anyos na babae mula sa Irisan
– 45-anyos na babae mula sa Bakakeng Sur
Tatlo rin ang napaulat na gumaling sa nasabing lugar.
Dahil dito, 51 na ang total recoveries sa COVID-19 sa Baguio City.
Nasa dalawa naman ang COVID-1O related deaths.
Samantala, lumabas din sa datos na 223 pa ang active suspected cases habang 1,522 na ang naka-recover.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.