Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 2,037 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (July 27), 2,037 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

776 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,427 ang suspected cases.

Umabot naman sa 725 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Nasa 10 na ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...