Sen. Sotto: Hindi dapat mag-alala ang mga senador

By Jan Escosio July 28, 2020 - 01:50 AM

Agad kumausap ng mga doktor si Senate President Vicente Sotto III nang malaman na muling nagpositibo si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa COVID-19.

Ayon kay Sotto, sinabi ng mga doktor na hindi dapat mag-alala ang marami sa 17 senador na dumalo sa pagbubukas ng sesyon, Lunes ng umaga (July 27).

Aniya, nang makasama nila sa Session Hall si Zubiri ay lahat sila ay nakasuot ng mask at may ilan pa na nagsuot ng face shield.

Dagdag pa ni Sotto, ang kailangan nilang i-monitor at obserbahan ay ang mga nakausap nang malapitan ni Zubiri habang sila ay nananghalian at walang suot na mask.

Si Sen. Sherwin Gatchalian ay agad nang nag-self quarantine nang malaman ang resulta ng swab test ni Zubiri at sinabi nito na nakapag-usap sila habang sila ay kumakain ng tanghalian.

Kapwa hindi na rin nakadalo sa SONA ni Pangulong Duterte sina Zubiri at Gatchalian.

TAGS: COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Duterte 5th SONA, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Rodrigo Duterte, SONA Duterte, Vicente Sotto III, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Duterte 5th SONA, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Rodrigo Duterte, SONA Duterte, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.