Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 27, umakyat na sa 9,304 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 70 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,231 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
5,420 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, nanatili muli sa 653 ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,635 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,091.confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 705 naman ang kaso sa Americas at 873 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.