DSWD, DILG inatasan ni Pangulong Duterte na mag-imbestiga sa mga hindi naisamang PUV driver sa Pantawid Pasada Program

By Chona Yu July 27, 2020 - 06:32 PM

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Interior and Local Government (DILG) na magsagawa ng imbestigasyon sa mga drayber ng mga pampublikong sasakyan na hindi naisama sa Pantawid Pasada Program.

Sa State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na may natanggap siyang reklamo na may mga drayber ang hindi nakatanggap ng ayuda.

“Public utility drivers were given assistance through the Pantawid Pasada Program. There are complaints that some drivers did not receive any assistance at all. I have directed the DSWD and DILG to look into this,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, sa ngayon, nasa 4.3 milyong mahihirap na pamilyang Filipino na ang nakinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Nasa 9.2 milyong beneficiaries naman ang nakatanggap ng subsidiya sa pamamagitan ng Unconditional Cash Transfer program.

Ibinida rin ng Pangulo na naging libre na ang tertiary education at Universal Health Care.

TAGS: COVID-19 response, DILG, dswd, Duterte 5th SONA, Inquirer News, pantawid pamilyang pilipino program, Radyo Inquirer news, Rodrigo Duterte, SONA Duterte, COVID-19 response, DILG, dswd, Duterte 5th SONA, Inquirer News, pantawid pamilyang pilipino program, Radyo Inquirer news, Rodrigo Duterte, SONA Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.