Ayon kay House Minority Leader Bienvenido Abante Jr., importanteng marinig mula mismo sa bibig ng pangulo ang tunay na kalagayan ng health system ng bansa lalo pa at patuloy ang pagsirit ng bilang ng mga COVID-19 cases na naitatala kada araw.
Hihintayin din ng mga ito ang karagdagang plano ng pamahalaan para sa COVID-19 response, tulong sa mga maliliit na negosyong apektado ng pandemya, tulong para sa mga distressed OFW at iba pang nawalan ng trabaho.
Naniniwala naman si Marikina Rep. Stella Quimbo na hindi dapat sugar-coated ang mga datos na ilalahad patungkol sa tunay na kalagayan ng bansa.
Sa ganitong paraan ay mas makakalampag aniya ang taumbayan at mahikayat din ang mga ito na lalong mag-ingat sa banta ng COVID-19.