Tunay na sitwasyon ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic, nais marinig ng minorya sa Kamara sa SONA
Ang totoong kalagayan ng bansa sa gitna ng patuloy na pagtaaas ng COVID-19 pandemic ang nais ng minorya sa Kamara sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay House Minority Leader Bienvenido Abante Jr., importanteng marinig mula mismo sa bibig ng pangulo ang tunay na kalagayan ng health system ng bansa lalo pa at patuloy ang pagsirit ng bilang ng mga COVID-19 cases na naitatala kada araw.
Hihintayin din ng mga ito ang karagdagang plano ng pamahalaan para sa COVID-19 response, tulong sa mga maliliit na negosyong apektado ng pandemya, tulong para sa mga distressed OFW at iba pang nawalan ng trabaho.
Naniniwala naman si Marikina Rep. Stella Quimbo na hindi dapat sugar-coated ang mga datos na ilalahad patungkol sa tunay na kalagayan ng bansa.
Sa ganitong paraan ay mas makakalampag aniya ang taumbayan at mahikayat din ang mga ito na lalong mag-ingat sa banta ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.