Operator ng pampasaherong bus na lumabag sa social distancing ipinatawag ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian

By Dona Dominguez-Cargullo July 27, 2020 - 11:16 AM

Ipinatawag ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang may-ari at operator ng Metrolink Bus Company matapos mapaulat ang paglabag nito sa social distancing.

Pinagsabihan ng alkalde ang operator at binilinan na ipatupad ang protocols sa kanilang mga pampasaherong bus.

Papatawan ng mula ang mga operator ng Metrolink Bus ng aabot sa P462,000 habang ang mga driver at konduktor nilang lumabag ay mahaharap din sa parusa.

Bilang pagtalima, nangako din ang mga operator na babawasan nila ng kalahati ang bilang ng upuan sa mga bus, para masigurong masusunod ang social distancing.

Una nang kumalat sa social media ang larawan na kuha sa loob ng isang pampasaherong bus na puno ng pasahero.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, metrolink bus, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Valenzuela City, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, metrolink bus, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.