Ayon kay Pimentel, ito ang resulta ng swab test na isinagawa kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Nalaman anya nito ang resulta, alas onse y media kagabi matapos itawag sa kanya ng doctor ng Kamara.
Sabi ni Pimentel asymptomatic naman siya pero nag isolate na siya sa loob ng kanyang bahay.
Mula aniya sa kanilang bahay ay dumeretso siya sa testing area sa Batasan Complex dakong alas 8:00 ng umaga kung saan siya ang unang kinunan ng swab.
Wala na aniya siyang ibang nakausap maliban kina Deputy Speaker Rodante Marcoleta at Zamboanga Rep. Divine Yu pero may halos dalawang metro ang layo.
Kasama sana si Pimentel sa dadalo sa SONA ng pangulo mamayang hapon.