350 na preso at tauhan ng BuCor, tinamaan ng COVID-19 ayon sa BuCor; 21 na ang pumanaw

Aabot sa 350 na mga preso at mga tauhan sa mga pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) ang tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, sinabi ng BuCor na umabot sa 21 na ang pumanaw.

Ayon sa tapagsalita ng BuCor na si Gabriel Chaclag, sa mayroong 260 na preso sa kanilang mga pasilidad ang nagpositibo sa COVID-19.

Mayroon ding 90 na BuCor personnel ang tinamaan ng sakit.

Sa 90 BuCor personnel, 87 naman na ang gumaling.

Ang tatlo pa ay pawang naka-home quarantine.

 

 

Read more...