RTVM Manila office isasara ng dalawang linggo

Sarado muna ang tanggapan ng Presidential Broadcast Staff – Radio Television Malacanang (RTVM) sa Manila simula July 28 hanggang August 11.

Ito ay para bigyang daan ang decontamination at sanitation matapos magpositibo sa Covid 19 ang dalawang empleyado ng RTVM.

Ayon sa abiso ng Presidential Communications Office, babalik ang operasyon ng RTVM sa August 12.

May mga piling personnel naman ang RYVM na naatasang magtrabaho para sa Presidential coverage gaya ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodirgo Duterte mamayang alas 4:00 ng hapon sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

“Only select personnel will be allowed to cover Presidential coverages, while support to non-Presidential coverages will only be done remotely or virtually,” bahagi ng pahayag ng PCOO

Pinapaalalahanan ang publiko na wala munang dokumento na tatanggapin o ire-release ang PBS-RTVM sa susunod na dalawang linggo.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang contact tracing sa mga personnel na nakasalamuha ng dalawang nagbpositibo sa Covid 19.

“Other employees identified to be primary contacts of our confirmed cases are scheduled to undergo necessary swab testing and will be on mandatory self-quarantine,” pahayag ng PCOO.

Pinapayuhan naman ang ibang empleyado na mag-work from home muna.

Ang PBS RTVM ang nakatalaga na magcover sa lahat ng aktibidad ni Pangulong Duterte.

 

Read more...