SONA protests umarangkada na

By Dona Dominguez-Cargullo July 27, 2020 - 09:27 AM

Nagsimula na ng kanilang protesta ang iba’t ibang grupo para sa State of the Nation Address ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas 8:30 ng umaga ay umabot na sa humigit-kumulang 200 katao ang nagsasagawa ng kilos protesta sa Commonwealth University Ave.

Dalawang linya ng kalsada ang sakop ng ginagawang protesta.

May grupo na rin ng mga raliyista ang nagtipon sa bahagi ng Philcoa.

Tinawag nilang “SONAgKAISAng Kabataan laban sa Terror Law at Tiraniya,” ang kanilang protesta.

Sa pagsisimula ng protesta, lumahok sa mga railiyista ang mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sona protests, sona2020, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sona protests, sona2020, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.