Operasyon ng Emergency Medical Services ng Muntinlupa Rescue suspendido; 3 ambulance personnel nagpositibo sa COVID-19

Suspendido pansamantala ang operasyon ng Emergency Medical Services ng Muntinlupa Rescue.

Ito ay makaraang tatlong ambulance personnel nito ang magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa abiso ng Muntinlupa City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) simula kahapon, July 26 ay wala munang operasyon ang kanilang Emergency Medical Services sa ilalim ng Muntinlupa Rescue.

Ang emergency services at pagbiyahe sa mga pasyente gamit ang ambulansya ng Muntinlupa Rescue ay pangangasiwaan muna ng Barangay Emergency Response Teams (B.E.R.T).

 

 

Read more...