Mga pulis maagang ipinakalat sa Batasan Complex at sa Commonwealth Avenue

By Dona Dominguez-Cargullo July 27, 2020 - 07:51 AM

Maagang ipinakalat sa palibot ng Batasan Complex at sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office.

Madaling araw pa lamang marami nang naka-deploy na pulis sa Batasan Pambansa at sa Commonwealth.

Ito ay para matiyak ang seguridad ngayong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinatayang aabot sa 6,000 puis ng NCRPO ang ipakakalat ngayong araw.

Simula kahapon naghigpit na ang PNP sa mga checkpoint sa mga lugar na papasok ng Quezon City.

May mga sundalo rin na ipinakalat sa Batasan Pambansa.

Samantala, nagpatupad na ng rerouting sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Ang mga motorista na patungong Fairvew, dalawang linya na lamang ang nadaraanan simula sa harapan ng UP Colleges of Human Kinetics.

 

 

TAGS: Commonwealth, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, House of Representatives, Inquirer News, Modified general community quarantine, National Capital Region Police Office, NCRPO, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, State of the Nation Address, Tagalog breaking news, tagalog news website, Commonwealth, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, House of Representatives, Inquirer News, Modified general community quarantine, National Capital Region Police Office, NCRPO, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, State of the Nation Address, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.