Dalawang kawani ng Mountain Province PDRRMO

Dalawang kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Mountain Province ang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, pansamatalang suspendido ang trabaho sa Provincial Government ng Mountain Province simula ngayong July 27 hanggang August 2, 2020.

Habang umiiral ang work suspension, magsasagawa ng contact tracing at disinfection process sa lahat ng tanggapan.

Required pa rin namang pumasok sa trabaho ang mga tauhan ng Provincial Health Office, ang mga nagtatrabaho sa District Hospitals at Provincial Security Services Office.

Sa isinagawang RT-PCR test sa 16 na iba pang PDRRM staff ay pawang negatibo naman ang resulta.

 

 

Read more...