‘Win Action Center’ ni Sen. Sherwin Gatchalian sarado sa publiko simula ngayong araw; 7 staff nagpositibo sa COVID-19

Sarado muna sa publiko ang ‘Win Action Center’ ni Senator Sherwin Gatchalian sa Brgy. Malinta, McArthur Highway, Valenzuela City.

Sa abiso ng tanggapan ng senador, ang pagsasara ay mula ngayong araw July 27, 2020.

Ito ay para makapagsagawa ng dinsinfection sa tanggapan.

Pitong staff kasi ng Win Action Center ang nagpositibo sa COVID-19.

Kung mayroong concern o katanungan maaring magpadala ng email sa email@wingatchalian.com

 

 

Read more...