Palawan, Visayas at Mindanao apektado ng ITCZ

Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang umiiral na weather system sa bansa.

Ayon sa PAGASA, apektado ng ITCZ ang Palawan, Visayas at Mindanao.

Dahil sa ITCZ, ngayong araw, July 27 makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang buong Visayas at Mindanao.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo sa loob ng bansa sa susunod na mga araw.

 

 

Read more...