Palawan, Visayas at Mindanao apektado ng ITCZ

By Dona Dominguez-Cargullo July 27, 2020 - 06:32 AM

Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang umiiral na weather system sa bansa.

Ayon sa PAGASA, apektado ng ITCZ ang Palawan, Visayas at Mindanao.

Dahil sa ITCZ, ngayong araw, July 27 makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang buong Visayas at Mindanao.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo sa loob ng bansa sa susunod na mga araw.

 

 

TAGS: Inquirer News, ITCZ, Mindanao, News in the Philippines, Palawan, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, viisayas, weather, Inquirer News, ITCZ, Mindanao, News in the Philippines, Palawan, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, viisayas, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.