Occidental Mindoro muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 16 kilometers southeast ng bayan ng Looc, alas-5:03 madaling araw ng Lunes (July 27).

May lalim na 5 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...