Batasan Pambansa inihanda na para sa SONA ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo July 27, 2020 - 06:06 AM

Handa na ang Batasang Pambansa para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gaya ng nakagawian, hapon ang schedule ng talumpati ng pangulo.

Magbubukas muna ng kanilang regular na sesyon ang Senado at ang Kamara ngayong Lunes July 27) ng umaga.

New normal din ang magiging set up sa Kamara para sa SONA ng pangulo.

Limitado lamang ang dadalo sa SONA hindi gaya noon na kumpleto ang mga kongresista at bawat isa sa kanila ay mayroong kasama.

Base sa aprubadong listahan ng Kongreso hanggang kahapon, nasa 30 kongresista ang dadalo sa SONA.

Nitong weekend ay puspusan na rin ang pagsasaayos sa Kamara.

Sumailalim din sa RT-PCR Test ang mga Kongresista at Kawani ng Kamara na dadalo sa SONA.

Kabilang si House Speaker Alan Peter Cayetano sa sumailalim sa swab test.

New normal din ang set-up sa sa Senado para sa pagbubukas ng sesyon.

Ang bawat lamesa ng mga senador ay pinalibutan ng glass dividers.

Una nang sinabi ni Senate Pres. Tito Sotto III na inaasahang maaaprubahan sa pagbubukas ng kanilang sesyon ang panukalang Bayanihan 2.

 

Excerpt:

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, SONA, State of Emergency, State of the Nation Address, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, SONA, State of Emergency, State of the Nation Address, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.