Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (July 26, 3:00 PM) nakapagtala ng 190 na bagong kaso kaya pumalo na sa 5,770 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,182
Laguna – 2,127
Batangas – 839
Rizal – 1,345
Quezon – 286
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 3,526.
Nasa 1,973 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 9 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 566
Batangas – 338
Rizal – 542
Quezon – 194
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 1 kaya umabot na sa 280 ng bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 54
Laguna – 67
Batangas – 42
Rizal – 102
Quezon – 15
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay