Burgos, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 96 kilometers northeast ng bayan ng Burgos, alas-2:35 madaling araw ng Lunes (July 27).

May lalim na 36 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...