Manticao, Misamis Oriental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Misamis Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 11 kilometers southeast ng bayan ng Manticao, ala-1:03 madaling araw ng Lunes (July 27).

May lalim na 18 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang intensity 3 sa Cagayan de Oro City

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

Read more...