‘Healing touch’ priest, Fr. Larry Faraon pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 64 si Rev. Fr. Larry Faraon.

Kinumpirma ito ng church run radio station na Radio Veritas.

Si Fr. Faraon ay anchor sa Radyo Veritas sa programang “Healing Touch” at dating station manager ng istasyon.

Pumanaw si Fr. Faraon alas-3:06 ng umaga ngayong Linggo, July 26 dahil sa pneumonia sa Capitol Medical Center.

Noon lamang July 4 ay ipinagdiwang ang ika 64 na kaarawan ng pari.

Read more...