Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 640,000 na
Pumalo na sa mahigit 640,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 642,775 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 148,490.
Sumunod na rito ang Brazil na may 85,385 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 45,677 naman ang death toll sa United Kingdom habang 42,645 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Italy – 35,097
– India – 31,406
– France – 30,192
– Spain – 28,432
– Peru – 17,843
– Iran – 15,289
– Russia – 13,046
– Belgium – 9,817
– Germany – 9,201
– Chile – 8,914
– Canada – 8,881
– Colombia – 7,975
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 15,945,037 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 9,742,879 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.