66 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Western Visayas

Mayroong 66 pang pasyente ang nagpositibo sa COVID-19 sa Western Visayas.

Ayon sa Department of Health-Western Visayas Center for Health Development hanggang July 14, umakyat na sa 970 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

374 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nakapagtala naman ng 24 na bagong gumaling sa Western Visayas.

Dahil dito, umakyat na sa 570 ang total recoveries sa rehiyon.

Nasa 16 naman ang bilang ng nasawi sa Western Visayas dahil sa sakit.

 

 

Read more...