RTVM isinailalim sa lockdown; 2 staff nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo July 24, 2020 - 07:10 PM

Dalawang staff ng Radio Television Malacañang (RTVM) ang nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ito ni Demic Pabalan, executive director ng RTVM.

Ayon kay Pabalan, isinailalim sa lockdown ngayon ang RTVM at kinansela na ang coverage sa programa ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Dalawang tauhan kasi nila ang nagpositibo sa COVID-19 na kapwa asymptomatic.

Isinailalim na rin sa testing ang lahat ng tauhan ng RTVM na nalantad sa dalawang nagpositibong empleyado.

Sa Linggo naman, isang araw bago ang State of the National Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, isasailalim sa swab test ang mga personnel ng RTVM na nakatalaga para mag-cover ng SONA.

Una nang sinabi ng residential Communications Operations Office (PCOO) na sa SONA ng pangulo, tanging ang Presidential Broadcast Staff – Radio Television Malacañang (PBS-RTVM) ang papayagang mag-cover sa loob ng House of Representatives.

Pinapayuhan ang lahat ng media network na mag-hook up na lang sa live feed ng PTV o sa live stream ng PCOO at RTVM Facebook Pages.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radio Television Malacañang, Radyo Inquirer, RTVM, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radio Television Malacañang, Radyo Inquirer, RTVM, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.