Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (July 24, 3:00 PM) nakapagtala ng 287 na bagong kaso kaya pumalo na sa 5,389 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,053
Laguna – 1,985
Batangas – 806
Rizal – 1,281
Quezon – 264
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 3,158.
Nasa 1,958 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 1 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 566
Batangas – 332
Rizal – 539
Quezon – 188
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 7 kaya umabot na sa 273 ng bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 54
Laguna – 64
Batangas – 42
Rizal – 98
Quezon – 15
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay