Kaso ng COVID-19 mahigit 76,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo July 24, 2020 - 04:53 PM

Umabot na sa mahigit 76,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala ng 2,103 na dagdag na kaso ng sakit.

Ayon sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang Biyernes (July 24) ng hapon umabot na sa 76,444 ang total COVID-19 cases sa bansa.

Sa mahigit 2,103 na bagong kaso, 1,272 ay mula sa Metro Manila, 291 mula sa Cebu, 107 mula sa Laguna, 83 mula sa Rizal at 53 mula sa Cavite.

Sa total number of cases, 50,063 ang aktibong kaso.

Nakapagtala naman ng 144 na bagong recoveries kaya umabot na sa 24,502 ang bilang ng mga naka-recover sa bansa.

Nadagdagan naman ng 15 ang bilang ng nasawi.

Sa ngayon, 1,879 ang COVID related death sa bansa.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.