Bilang ng mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19 umakyat na sa 9,208 ayon sa DFA
Mayroong labinganim pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 24, umakyat na sa 9,208 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 70 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,174 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
5,387 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, 647 na ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,610 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,090 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 807 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 701 sa Americas.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.