Konstruksyon ng Binondo-Intramuros Bridge at Estrella- Pantaleon Bridge nagpapatuloy sa kabila ng pandemya
Sa kabila ng lockdown, tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos sa itinakdang petsa ang Binondo-Intramuros Bridge at Estrella- Pantaleon Bridge.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar base sa report ni DPWH Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) Operations and Technical Services Emil K. Sadain, sa December 2020 ay matatapos na ang Estrella-Pantaleon Bridge Project habang sa March 2021 naman ang tapos ng Binondo-Intramuros Bridge Project.
Sa ngayon ang Estrella-Pantaleon Bridge Project ay 56 percent nang kumleto habang ang Binondo-Intramuros Bridge Project ay 36 percent nang kumpleto.
Tiniyak ni Sadain na hindi naaantala ang proyekto sa kabila ng mga urgent projects ng DPWH ngayong panahon ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.