Sinalakay ng mga tauhan ng PNP CIDG ang isang computer shop at inaresto ang dalawang babae dahil sa pamemeke ng resulta ng COVID 19 swab test sa Caloocan City.
Kinilala ang naaresto na sina Angelica Dellola at Jeshel Mohad.
Inaresto sila ala-5 ng hapon ng Huwebes sa TJ Computer Shop sa Barangay 177, sa naturang lungsod.
Nabatid na sa pamamagitan ng photoshop application ay napepeke ng dalawa ang COVID 19 RT-PCR test results.
Ikinasa ang operasyon matapos maging viral sa Facebook ang video ng isang lalaki na palitan ng pangalan niya ang resulta ng swab test ng ibang tao.
Kinumpiska sa computer shop ang dalawang unit ng desktop computers, computer paraphernalia. Printers, photocopy machine at scanner.
Mahaharap ang dalawa sa kasong falsification of document at paglabag sa RA 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.