Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras
Uulanin sa susunod na mga oras ang Metro Manila at ilang lalawigan na kalapit nito.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASa na inilabas ala 1:12 ng hapon ngayong Biyernes, July 24, ang Metro Manila, Tarlac, at Laguna ay makararaas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa susunod na dalawang oras.
Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa sumusunod na mga llugar:
Bulacan:
– Norzagaray
– SJDM City
– Dona Remedios Trinidad
– San Ildefonso
– San Rafael
– San Miguel
Pampanga:
-Candaba
Nueva Ecija:
– Cabanatuan
– General Mamerto Natividad
– Palayan
Zambales:
– Santa Cruz
– Candelaria
Rizal:
– Rodriguez
– Antipolo
– San Mateo
Quezon:
– General Nakar
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar sa posibleng pagbaha dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan.
Maari din itong magdulot ng landslides sa bulubunduking mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.