Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 15.3 million na

Umakyat na sa mahigit 15.3 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 15,656,884 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 290,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 4,169,991 matapos makapagtala ng halos 70,000 pang bagong kaso.

Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 58,000 bagong kaso habang mahigit 48,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 2,289,951
India – 1,288,130
Russia – 795,038
South Africa – 408,052
Peru – 371,096
Mexico – 370,712
Chile – 338,759
Spain – 317,246
UK – 297,146

 

Read more...